Sarah Overworked

Article excerpt

PAALIS na naman si Sarah Geronimo on May 19 para sa isang US concert tour. Makaka-sama niya sina Rachelle Ann Go, Mark Bautista, Christian Bautista, Raymond Ma-nalo, Frenchie Dy at Sheryn Regis. Billed "The Return of the Champions," magpe-perform ang singing champions sa 12 key cities.

Natatawa na lang si Sarah kapag tinatanong kung may away ba sila talaga ni Rachelle? "Meron ba? Ang fans lang naman namin ang nag-aaway. Pero kami ni Rachelle, magkaibigan kami," Sarah said nang makausap ng Timing recently.

Kung may Christian Bautista si Rachelle who both admit na spe-cial friends sila, wala pa ring love life si Sarah. Minsan nga raw, pu-mapasok sa isipan niya kung ano kaya ang feeling ng may boy-friend.

Pero happy naman siya kahit loveless, ani Sarah. She has so much to thank for dahil hindi na hirap sa buhay ang family niya. Ang pinag-iipunan ngayon ni Sarah ay ang pambili ng house for her family. Tumingin na raw ang mama niya ng lot somewhere in Tandang Sora, QC para pagta-yuan ng bahay.

Asked kung feeling ba niyay overworked siya, "Okey lang. Hindi pa naman ako nagko-col-lapse. Minsan, nape-pressure ako sa rami ng trabaho. Nakakapagod din. Ang Viva at ang parents ko ang nag-aayos ng schedule ko," Sarah said.

Ayaw maging Kapuso?

Is it true, nag-react ang kampo ng ibang homegrown talents ng ABS-CBN sa pagkapili kay Anne Curtis para gumanap na "Kam-panerang Kuba"? Paano naman daw yung ibang talents ng Dos na nagpapaka-loyal sa naturang network?

Tulad na lang daw ni Camille Prats. Ano na nga bang nangya-yari sa kanyang career? Neither here nor there ang tinatakbo nito. Sa past interview with her, she said na kung siya lang ang masusunod, ayaw niyang umalis sa estasyong kinalakihan niya.

There were talks before na, diumanoy, lilipat si Camille sa GMA-7. Siya pa ang nagsabing nakipag-usap na ang parents niya at depende raw sa mapagka-kasunduan ang magiging desis-yon. Pero mukhang walang nang-yari at naudlot ang negotiation. Nakapag-guest lang siya sa "Extra Challenge. …